Category Archives: Uncategorized

Napadaan lang

Naisip ko lang dumaan. Mag-iisang taon na rin nang huli akong may naisulat sa blog na ito.

Mananatili pa rin ito, sa kabila ng madalang kong pagdaan-daan.

Isang araw, muli na naman akong susulat.

Advertisements

1 Comment

Filed under Uncategorized

Magmamahal na naman akong muli

Una kong nakilala si John sa isang biglaang threesome kasama ang isang kaibigan. Sila ni John ang magkakilala. Nang masilayan ko ang kanyang mukha, alam kong kilala ko siya. Nauna siya ng dalawang taon sa akin sa kolehiyong pinasukan ko rin.

Hindi ko na pahahabain ang kwento, nagtalik kami. Isa siyang magaling na bottom. Nakakatawa. Natatawa ako habang isinusulat ito.

Magkapangalan pa kami.

Nang matapos ang mga tagpo, nagpahinga kami sandali at nag-usap. Hindi na rin ako magkukuwento tungkol sa pinag-usapan namin dahil hindi rin naman masyadong mahalaga; ito’y mga bagay na walang gaanong halaga sa sinumang nakikinig. Ang kaibigan nami’y mag-isang natulog sa tabi.

Kami ni John, magkayakap sa isang sulok. Ramdam ko ang pangangailangan niya ng yakap.Umalis din kami ng kaibigan ko kinaumagahan at iniwan si John na nag-iisa. Di ko nakuha ang numero ng telepono niya, ni hindi ko man lang nakuha ang kanyang buong pangalan.

Subalit magaling ako sa research. Pagkalipas ng ilang araw, walang kahirap-hirap kong nakuha ang kanyang numero.

Buong gabi kaming magkasama nang nakaraang gabi hanggang tanghali kanina. Magkayakap, naghahalikan.

Ewan ko, pero parang magmamahal na naman akong muli

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Napadaan lang

Nais ko rin naman ipaalam sa lahat na ang blog na ito ay binubuksan ko rin pamisan-minsan. Kaya nga lang, sa sobrang dami ng aking mga pinagkakaabalahang lehitimo naman ang karakter, ay hindi na ako nakakapagsulat.

Magkagayunman, salamat pa rin sa mga paminsan-minsa’y bumubukas sa blog na ito at napapadaan.

Walang seks ngayon. Nakakapagod na rin. Nakakasawa.

Leave a comment

Filed under Uncategorized

Ihi lang ang pahinga

Ito’y isa sa pinakanakatatawang narinig ko sa tanang buhay ko. Buong araw kaming nagkulong kasama ang isa pa niyang kaibigan. “Gago ka pare, parang hayok na hayok ka ah,” sabi niya sa akin.

Makalipas ang halos kalahating oras, nagpaalam siyang pupunta ng kubeta. Pagbalik niya, “Oh, parang ihi lang pahinga ko sa iyo ah.” Balik kami sa naiwan naming gawain.

“Pasali.” Ang kaibigan niyang kanina pa nakatingin.

3 Comments

Filed under Uncategorized

Isang buwang walang seks

Mas ayos ito. Walang hassle; walang iindahing sakit o pag-iisip na baka nahawaan ako ng sakit o kung una-ano pa. Akala ko’y hindi ako mabubuhay ng walang seks. Kaya pala.

2 Comments

Filed under Uncategorized

Pagbabalik

Matagal na akong di nakakapagsulat sa blog na ito. Hindi rin naman kasi ako magaling magkwento, kung magsusulat man ako ay patungkol lang sa mga ideya kong ako lang ang nakaiintindi.

Walong taon ang tanda niya sa akin. Di ko man ginugusto, panay mas matatanda sa akin ang nagugustuhan ko. Siguro dahil mas magaling silang mag-isip, mas maraming karanasan,  mas magaling sa kama, mas madaling umintindi, at siguradong aabutin ako ng bukas kung ipagpapatuloy ko ang listahan kong ito.

2 Comments

Filed under Uncategorized

Gamot sa Kabaklaan

Mga sampung taong gulang ako noon. Maaga akong natulog dahil may pasok ako kinabukasan, halos alas nuwebe pa lang ng gabi subalit dahil kami’y nasa probinsya pinilit ko ang sariling matulog habang sa paligid ko’y naririnig pa ang huni ng mga kulisap. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagpapanggap na tulog nang dumating ang aming mga kamag-anak na ikakasal, bumibisita lang upang humingi ng payo patungkol sa pagpapamilya nang madako ang usupan sa pagkakaroon ng baklang anak.

med

Dinig ko ang tatay ko, nagtatanong sa bernakular na wika, kung maari pa raw bang maging tunay na lalaki ang isang batang nagbabadyang maging bakla. Biglang nag-iba ang posisyon. Una’y pumunta ang kamag-anak naming iyon upang humingi ng payo at sa pagkakataong iyon, ang mga magulang ko na ang humihingi ng payo tungkol sa kanilang anak na kinikitaan nila ng mga  sintoma ng pagkabakla na parang ako’y isang maysakit at nangangailangan ng masinsinang panggagamot.

“Pag laki niyan, mawawala rin ang kahinhinan niyan. Magiging lalaki rin yan kuya.”

Hindi awa sa sarili ang nadama ko ng oras na iyon kundi awa para sa aking mga magulang dahil nagkaroon sila ng anak na hindi nila maaaring ipagmalaki. Noong mga panahong iyon ay hindi ko pa tanggap ang aking identidad. Kinakaila ko pa ang nararamdaman kong pagkagusto sa mga kalaro kong lalaki. Subalit anong pilit ko mang kumilos na parang tunay na lalaki ay lumalabas pa rin ang kalamyaan ko.

Para sa mga magulang ko, lalo na sa tatay ko, mahirap tanggaping ang pagkakaroon ng anak na abnormal. Simula ng gabing iyong tinuluyan ko na ang pagpapanggap. Pinilit kong maging lalaki sa kanilang mga mata ng sa gayon ay hindi na sila maghahanap pa ng gamot para sa aking sakit – ang sakit ng kabaklaan.

2 Comments

Filed under Childhood Homosexuality, Coming Out, Gay Issues, GBLT, Homosexuality, Life, Memories, Uncategorized