Juan

Ako’y isang tipo ng tao na walang komplikasyon ang buhay. Marami-rami na rin akong nalakbayan kaya nasisiguro kong malawak ang pananaw ko sa mga bagay-bagay na nakapalibot sa akin.

Naniniwala ako na ang buhay ng mga bakla, bading, bayot, homosexuals, gays, queer, badush at kung ano pa ay puno ng tunggalian na kadalasa’y nagdudulot sa amin ng pagkasawi o pagkawala ng mga bagay na mahalaga sa amin.

Hindi ko pa inaamin sa pamilya ko at sa mga taong malapit sa akin na ako ay isang bakla sapagkat alam kong ang mundo ko ay hindi pa handa upang tanggapin ang katotohanan na iba ako. Ang lipunan Pilipino ay nagpupumilit ipangalandakan na handa na ito sa isang rebolusyon patungkol sa sekswalidad, subalit ito’y isang ilusyon.

Sa ngayon, hindi pa ako naghahanap ng makakasama. Kuntento ako sa kung ano man mayroon ako, subalit patuloy akong maghihintay, o kung minsan maghahanap sa taong mamahalin ko.

Ito ang aking mga kwento, mga pakikipagsapalaran sa buhay, trabaho, paglalakbay, pag-ibig at kung ano pa.

2 responses to “Juan

  1. gusto ko pagkasulat mo sa blog na ‘to. totoo and may puso.

  2. gusto ko pagkasulat mo sa blog na ‘to. totoo and may puso.
    +1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s