Gamot sa Kabaklaan

Mga sampung taong gulang ako noon. Maaga akong natulog dahil may pasok ako kinabukasan, halos alas nuwebe pa lang ng gabi subalit dahil kami’y nasa probinsya pinilit ko ang sariling matulog habang sa paligid ko’y naririnig pa ang huni ng mga kulisap. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagpapanggap na tulog nang dumating ang aming mga kamag-anak na ikakasal, bumibisita lang upang humingi ng payo patungkol sa pagpapamilya nang madako ang usupan sa pagkakaroon ng baklang anak.

med

Dinig ko ang tatay ko, nagtatanong sa bernakular na wika, kung maari pa raw bang maging tunay na lalaki ang isang batang nagbabadyang maging bakla. Biglang nag-iba ang posisyon. Una’y pumunta ang kamag-anak naming iyon upang humingi ng payo at sa pagkakataong iyon, ang mga magulang ko na ang humihingi ng payo tungkol sa kanilang anak na kinikitaan nila ng mga  sintoma ng pagkabakla na parang ako’y isang maysakit at nangangailangan ng masinsinang panggagamot.

“Pag laki niyan, mawawala rin ang kahinhinan niyan. Magiging lalaki rin yan kuya.”

Hindi awa sa sarili ang nadama ko ng oras na iyon kundi awa para sa aking mga magulang dahil nagkaroon sila ng anak na hindi nila maaaring ipagmalaki. Noong mga panahong iyon ay hindi ko pa tanggap ang aking identidad. Kinakaila ko pa ang nararamdaman kong pagkagusto sa mga kalaro kong lalaki. Subalit anong pilit ko mang kumilos na parang tunay na lalaki ay lumalabas pa rin ang kalamyaan ko.

Para sa mga magulang ko, lalo na sa tatay ko, mahirap tanggaping ang pagkakaroon ng anak na abnormal. Simula ng gabing iyong tinuluyan ko na ang pagpapanggap. Pinilit kong maging lalaki sa kanilang mga mata ng sa gayon ay hindi na sila maghahanap pa ng gamot para sa aking sakit – ang sakit ng kabaklaan.

2 Comments

Filed under Childhood Homosexuality, Coming Out, Gay Issues, GBLT, Homosexuality, Life, Memories, Uncategorized

2 responses to “Gamot sa Kabaklaan

  1. ang kabaklaan ay bahagi na ng maraming mga lalake nuon pa man.hindi ito nangangahulugan na legal ito kundi sadyang nasa pagkatao na!may antas ang abonormalidad na ito,una ang humahanga lang sa kapuwa kauri na maaring pansamantala lamang,kapag ito ay napadikit sa bakla o silahis na ganap ay maaring matuluyan ito dahil ang pagiging ganap na kabaklaan ay nakabatay sa karanasan sa pagsiping sa kapuwa lalake o kauring kasarian.maging sa isang buwan o sa isang taon na nakalipas ay lumitaw ito sa di inaasahang pagkakataon.Ang aral sa biblia ay nagbibigay pangunawa at kamalayan sa mga tao na mali nga ang kabaklaan subali’t sa may kabaklaan na ito ay parusa at isang pasanin na kayhirap takasan.marahil ang pag iwas sa mga iba’t ibang tukso o malapit sa kaganapang ito ay mabuting hakbang upang wag matuluyan ang kabaklaan dahil ang lalakeng nakaranas na ng mahigit 2 ulit na pakikipagsiping sa lalake ay naghahanap na ng gayong gawain dahil isa na ngang bisyo iyon sa kanila.!walang gamot sa kabaklaan pero may mga paraan para makaiwas sa pag pasok sa gayong uri ng kanibalismo!may tatawaging bakla na pumapatol sa lalake,may silahis na kapuwa babae at lalake ang sinisipingan at may binabaeng bakla na mukha talagang babae na nagpapakababae, may binabaeng walang nakasiping n a lalake pero pinagdidiskitahan ng mga lalake at silahis.!laganap na ang kabalaan at ito ay patungo sa pagkawasak ng lipunan ng mga tao dahil paghiwalay sa banal na Dios ang kabaklaan!!!!!!!

  2. daniel

    yeah i agree with AELEVTHERIS.. ito rin ang isa sa mga pinakadahilan kung bakit hinukuman ng diyos ang Sodom At Gomora noon. Mantakin mo pati yung dalawang anghel na sinugo ng Diyos upang iligtas ang pamilya ni Lot ay pinag interesan pa ng mga tao pati ng kabataan, isipin mong gusto raw nilang sipingan ang dalawang anghel. That is one of the reason also why this earth will end sooner or later…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s