Pagtatapos ng Isang Kwentong Pag-ibig

Halos magdadalawang taon na kami ng aking nobyo (nangingiti ako sa tuwing nariring ko ang salitang ito), subalit simula nang malayo ako sa kanya halos walong buwan na ang nakalilipas upang mag-aral sa ibang bansa, nag-umpisa nang pumakla ang aming relasyon. Dati pa lang ay naiisip ko ng hindi kami tatagal dahil magkaiba ang punto de bista namin sa mga bagay-bagay. Makailang beses na rin kaming nag-aaway dahil sa mga pangyayaring wala sa kontrol naming dalawa.

Mahal ko siya kung sa mahal, sa totoo lang, siya lang ang lalaking minahal ko ng ganito. Subalit lahat yata ng mga magagandang bagay ay hindi na-uuwi sa mabuting pagtatapos.

Ilang beses na rin akong nagpasyang makipaghiwalay sa kanya subalit, sa mga kadahilanang hindi rin lubusang malinaw sa akin. Kung sana’y kasin-simple lang na sabihing “hindi na kita mahal”. Kung ilang beses akong sumuko ay siya ring dami ng pagkakataong nagmatigas siyang ipaglaban kung ano man mayroon kami.

Ngunit sa pagkakataong ito, hahayaan ko na lamang sigurong lumamig kami sa isa’t isa nang sa gayon ay hindi maging masyadong masakit para sa kanya at para sa akin.

1 Comment

Filed under Homosexuality, Life, Sadness

One response to “Pagtatapos ng Isang Kwentong Pag-ibig

  1. happy valentines!

    may mga bagay kasi na hirap mapag kasunduan at mahirap unawain. minsan may mga bagay na nais mo malamin sa kanya na kailangan mo ng matamis na paliwanag. subalit wala itong dahilan na maibigay.

    kinailangan nyang umalis dahil sa prayoridad sa buhay at malaya niya itong tinangap dahil mas makakabuti sa kanya.

    minsan nag kakamali din tayo, at humihingi ng tawad sa ginawang mali. ngunit d ito napag bigyan ng pagkataong madinig.

    hindi ka parin nawawala sa isipan ko….

    happy valentines and enjoy your journey. hope one of this day we will see again.

    thanks….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s