Ang Batang si Marla

baklangjuan

Una akong umibig sa kaibigan kong babae noon ako’y nasa unang baitang pa lang ng elementarya. Pitong taong gulang pa lang ako noon; siya’y bagong lipat galing Maynila nang nagkataong napunta siya sa aming seksyon. Alam kong itinadhana kami. Mayroong labingtatlong seksyon ang grade one sa sentral school naming subalit pinili ng nanay niyang i-enrol ang kanyang anak na babae sa klase namin. Naaalala ko pang si Ma’am Joquino ang guro namin.

Marla Tan ang kanyang pangalan. Noong nagkolehiyo na ako, hinanap ko siya sa lahat ng social networking sites kung saan mayroon akong account. Sa Friendster, natagpuan ko ang isang Marla Tan, subalit tatlong taon siyang mas matanda sa akin. Ngunit dahil gusto ko pa ring alamin kung siya nga iyon, idinagdag ko siya sa listahan ng aking mga friends at nalaman kong nagtapos siya ng kanyang elementarya mula sa De La Salle Primary school at si Mrs. Buenaventura ang kanyang naging guro. Hindi nga siya.

Wala akong maraming naaalala tungkol kay Marla. Ang di ko lang malilimutan ay palagi niya akong binibigyan ng baon niyang maliliit na hotdogs tuwing tanghalian at nahihiya akong ipakita sa kanya ang baon kong sitaw na ginisa sa toyo. Palagi niyang suot ang kanyang asul na shorts at dilaw na pang-itaas.

Una ko siyang nakitang umiyak nang isinama ko ang kanyang pangalan sa listahan ng mga maiingay. Nang araw na iyon, alam kong imibig ako kay Marla.

Di nagtagal, Oktubre taong 1993, hindi ko na nakita sa Marla noong araw ng Lunes. Hindi rin naman sinabi sa amin ni Gng. Joquino na bumalik na pala ng Maynila sa Marla upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nalaman ko na lamang ito noong ako ay nakatungtong ng ikalimang baitang at naikwento sa akin ng tagapamahal ng aming kantina na tiyahin ni Marla.

Ngayon, tuwing naalala ko ang batang si Marla naiisip ko ang paglalaro namin ng patintero, taguan, at chinese garter. Apat na buwan ko lang siyang naging kaibigan subalit nanatili siya sa puso ko hanggang ngayon. Sakaling mahanap ko siya balang araw, sasabihin ko sa kanyang minahal ko siya noong kami’y grade one.

Leave a comment

Filed under Childhood Love Story, Homosexuality, Life, Memories, Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s