Monthly Archives: December 2008

Unang Encounter

Kadalasan, pinahahalagahan natin ang mga unang pagkakataon sa ating buhay – unang araw sa mundo, unang paghakbang, unang pagtawa, unang pagsambit ng salita, unang halik, pati unang karanasan patungkol sa pakikipagtalik. Sapagkat hindi ito babasahing erotika, hindi ako magkukwento ng detalye. Sa isang madilim na sulok ng isang sinehan sa probinsya ko naranasan ang init mula sa isang lalaking hindi ko kilala.

baklangjohn

Alam kong may mga nangyayaring hindi maganda sa sinehang iyon subalit pumasok pa rin ako. Patayu-tayo lang ako sa likurang bahagi dahil karamihan sa mga manonood ay palakad-lakad at hindi nakatutok sa ipinapalabas na pelikulang Tagalog. Di nagtagal may lumapit sa aking isang lalaking sa tantiya ko ay dalawampu’t anim na taong gulang. Dahil hindi pa ako sanay magsalita ng linggwahe ng probinsya nag-Ingles ako. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha, pero magaling din siyang makipag-usap. Di naglaon ay niyaya niya akong umupo malapit sa unahan. Karamihan sa mga upuan ay may mga lalaking nakaupo, pumunta kami sa lugar na wala halos tao.

Nag-umpisang maging malaswa ang aming usapan at di nagtagal binuksan niya ang zipper ng aking pantalon at isinubo ang aking ari. Pagkatapos noon, iniwan niya ako at nagpaalam na pupunta sa palikuran ng sinehan. Hindi na siya bumalik. Pagkalipas ng ilang minuto isang lalaki naman ang lumapit at pinaglaruan ang ari ko, di naglaon ay isinubo.

Hindi ko na maalala ang detalye kung paano akong muling tumayo at lumabas sa sinehan. Subalit naalala ko pa ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Nandiri ako sa aking sarili at pakiramdam ko’y hindi na ako maibabalik ang dating ako. Nang araw na iyon nalaman ko katotohanan sa likod ng dilim kung saan nagkukubli ang mga baklang naghahanap ng panandaliang ligaya – kasama na ako roon.

Labing-anim na taong gulang pa lamang ako noon, bagong tungtong lang sa kolehiyo, malayo sa pamilya, walang gumagabay. Subalit nagpapasalamat ako at hindi ako tuluyang nahulog sa ganoong estado. Wala akong pinagsisihan kung mayroon man ito ay nagsisi akong hindi ko nagawa ang bagay na iyon sa unang lalaking minaahal ko.

Advertisements

Leave a comment

Filed under 15129065, Gay Sex, Homosexuality, Homsexual Sex, Life, Memories, Sex

Ang Batang si Marla

baklangjuan

Una akong umibig sa kaibigan kong babae noon ako’y nasa unang baitang pa lang ng elementarya. Pitong taong gulang pa lang ako noon; siya’y bagong lipat galing Maynila nang nagkataong napunta siya sa aming seksyon. Alam kong itinadhana kami. Mayroong labingtatlong seksyon ang grade one sa sentral school naming subalit pinili ng nanay niyang i-enrol ang kanyang anak na babae sa klase namin. Naaalala ko pang si Ma’am Joquino ang guro namin.

Marla Tan ang kanyang pangalan. Noong nagkolehiyo na ako, hinanap ko siya sa lahat ng social networking sites kung saan mayroon akong account. Sa Friendster, natagpuan ko ang isang Marla Tan, subalit tatlong taon siyang mas matanda sa akin. Ngunit dahil gusto ko pa ring alamin kung siya nga iyon, idinagdag ko siya sa listahan ng aking mga friends at nalaman kong nagtapos siya ng kanyang elementarya mula sa De La Salle Primary school at si Mrs. Buenaventura ang kanyang naging guro. Hindi nga siya.

Wala akong maraming naaalala tungkol kay Marla. Ang di ko lang malilimutan ay palagi niya akong binibigyan ng baon niyang maliliit na hotdogs tuwing tanghalian at nahihiya akong ipakita sa kanya ang baon kong sitaw na ginisa sa toyo. Palagi niyang suot ang kanyang asul na shorts at dilaw na pang-itaas.

Una ko siyang nakitang umiyak nang isinama ko ang kanyang pangalan sa listahan ng mga maiingay. Nang araw na iyon, alam kong imibig ako kay Marla.

Di nagtagal, Oktubre taong 1993, hindi ko na nakita sa Marla noong araw ng Lunes. Hindi rin naman sinabi sa amin ni Gng. Joquino na bumalik na pala ng Maynila sa Marla upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nalaman ko na lamang ito noong ako ay nakatungtong ng ikalimang baitang at naikwento sa akin ng tagapamahal ng aming kantina na tiyahin ni Marla.

Ngayon, tuwing naalala ko ang batang si Marla naiisip ko ang paglalaro namin ng patintero, taguan, at chinese garter. Apat na buwan ko lang siyang naging kaibigan subalit nanatili siya sa puso ko hanggang ngayon. Sakaling mahanap ko siya balang araw, sasabihin ko sa kanyang minahal ko siya noong kami’y grade one.

Leave a comment

Filed under Childhood Love Story, Homosexuality, Life, Memories, Uncategorized

Mga Kwento ng Baklang si Juan: Unang Entry

Ito ang aking unang entry.

juan

Ako si Juan, magdadalawampu at tatlong taong gulang sa Pebrero. Hindi ako dating sumusulat sa Filipino subalit dahil ito ang unang pagkakataong ipakilala ko ang aking sarili bilang isang bakla, naisip kong mas magiging makatotohanan ito, mas malalim, mas madrama sa halip na Ingles ang gagamitin kong medium sa pagsulat.

“Maliit pa lang ako, alam ko nang bakla ako”. Ito ang simula ng kwento ng karamihan sa mga bakla, at ang kwento ko ay hindi masyadong naiiba. Ngunit hindi kagaya ng ibang kakilala ko, hindi ako namolestya, hindi ako nagahasa, wala akong karanasan na binaboy ako. Lumaki ako sa isang normal na pamilya; ang mga magulang ko ay kapwa guro sa isang pampublikong mataas na paaralan. Hindi bakla ang tatay ko (sa pagkakaalam ko wala kaming kamag-anak na bakla) at wala kaming kapitbahay na bakla, wala akong nakilalang bakla noong lumalaki ako, ang alam ko si Roderick Paulate lang ang bakla sa buong mundo. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ako nanging ganito. Masasabi ko ring hindi ko ginustong maging bakla.

Ang aking pagkatao ay lehitimo. Ito’y kagaya rin ng pagiging lalaki o babae.

Kung sana’y ang pangungusap sa itaas ay totoo sa tunay na buhay. Pero sa lipunang Pilipino, ang pagiging bakla, ang kaibhan ko at ng ibang kagaya ko ay hindi katanggap-tanggap sa labas ng aspeto ng komedya. Wala kaming karapatan sa drama dahil kung hindi nakatatawa mas maige pang manahimik na lang.

Hanggang ngayon hindi ko pa inaamin sa pamilya ko na bakla ako; ang mga nobya ko noong hayskul at kolehiyo ay patuloy pa ring naniniwala na iniwan ko sila dahil sa ambisyon ko o dahil sa ibang babaeng mas maganda, mas matalino sa kanila, hanggang ngayon patuloy akong nakatago sa imahe ng isang lalaking Pinoy.

Kung kaya naisip kong buuin ang proyektong ito: Isang koleksyon ng mg kwento ng isang baklang patuloy na nagkukubli. Ito’y paunang bati lamang. Hindi ito erotika o kwento patungkol sa seks. Kung meron mang miminsang sahog na senswalidad, hindi pakikipagtalik ang kabuuan ng kwento. Naniniwala akong maliban sa sarap na dulot ng pakikipagtalik sa kapwa lalaki, ang isang bakla ay naghahanap ng mga bagay na bubuo sa kanyang pagkatao. Hindi lamang pagiging bakla ang natatanging pagkakakilanlan niya, isa rin siyang anak, empleyado, mamamayan ng bansa, manlalakbay, intelektwal.

Ang blog na ito ay hindi naglalayong maging inspirasyon, kapupulutan ng aral, or paghihimay sa lugar ng bakla sa lipunang Pilipino. Isa lamang ang nais ng blog na ito: ang magkwento.

Kung kaya binabati kita, babae ka man, lalaki, tomboy, o kapwa ko bakla.

Maligayang pagbabasa.
Lubos na gumagalang,
Juan

3 Comments

Filed under Coming Out, Homosexuality, Life, Uncategorized