November 29, 2009

Magmamahal na naman akong muli

Una kong nakilala si John sa isang biglaang threesome kasama ang isang kaibigan. Sila ni John ang magkakilala. Nang masilayan ko ang kanyang mukha, alam kong kilala ko siya. Nauna siya ng dalawang taon sa akin sa kolehiyong pinasukan ko rin.

Hindi ko na pahahabain ang kwento, nagtalik kami. Isa siyang magaling na bottom. Nakakatawa. Natatawa ako habang isinusulat ito.

Magkapangalan pa kami.

Nang matapos ang mga tagpo, nagpahinga kami sandali at nag-usap. Hindi na rin ako magkukuwento tungkol sa pinag-usapan namin dahil hindi rin naman masyadong mahalaga; ito’y mga bagay na walang gaanong halaga sa sinumang nakikinig. Ang kaibigan nami’y mag-isang natulog sa tabi.

Kami ni John, magkayakap sa isang sulok. Ramdam ko ang pangangailangan niya ng yakap.Umalis din kami ng kaibigan ko kinaumagahan at iniwan si John na nag-iisa. Di ko nakuha ang numero ng telepono niya, ni hindi ko man lang nakuha ang kanyang buong pangalan.

Subalit magaling ako sa research. Pagkalipas ng ilang araw, walang kahirap-hirap kong nakuha ang kanyang numero.

Buong gabi kaming magkasama nang nakaraang gabi hanggang tanghali kanina. Magkayakap, naghahalikan.

Ewan ko, pero parang magmamahal na naman akong muli

November 24, 2009

Napadaan lang

Nais ko rin naman ipaalam sa lahat na ang blog na ito ay binubuksan ko rin pamisan-minsan. Kaya nga lang, sa sobrang dami ng aking mga pinagkakaabalahang lehitimo naman ang karakter, ay hindi na ako nakakapagsulat.

Magkagayunman, salamat pa rin sa mga paminsan-minsa’y bumubukas sa blog na ito at napapadaan.

Walang seks ngayon. Nakakapagod na rin. Nakakasawa.

September 6, 2009

Ihi lang ang pahinga

Ito’y isa sa pinakanakatatawang narinig ko sa tanang buhay ko. Buong araw kaming nagkulong kasama ang isa pa niyang kaibigan. “Gago ka pare, parang hayok na hayok ka ah,” sabi niya sa akin.

Makalipas ang halos kalahating oras, nagpaalam siyang pupunta ng kubeta. Pagbalik niya, “Oh, parang ihi lang pahinga ko sa iyo ah.” Balik kami sa naiwan naming gawain.

“Pasali.” Ang kaibigan niyang kanina pa nakatingin.

July 5, 2009

Isang buwang walang seks

Mas ayos ito. Walang hassle; walang iindahing sakit o pag-iisip na baka nahawaan ako ng sakit o kung una-ano pa. Akala ko’y hindi ako mabubuhay ng walang seks. Kaya pala.

June 25, 2009

Sa mga nagbabasa pa rin

Nakatutuwa at may mga nagbabasa pa rin pala sa blog na ito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sapagkat kung sa ano mang kaparaanan narating ninyo ang blog na ito, alam kong ito’y dahil naghanap kayo gamit ang mga kataga o pariralang patungkol sa pakikipagtalik ng mga bakla o kung saan mang link na kasama ang site na ito. Gayunpaman, ako’y nagpapasalamat sa pagbabasa ng post na naririto na minsa’y nakababagot ring basahin.

Alam ko.

Sa kabila nito, babalik-balikan ko pa rin ang mga pahinang ito upang sumulat ng mga bagay na pumupukaw sa aking pagkatao, sa aking pagiging bakla. Hindi man ako madalas magawi rito, sisikapin ko pa ring patuloy na ipagdiwang ang aking kabaklaan sa pamamagitan ng pagsusulat, natural gamit ang sarili kong wika.

Aasahan ko pa rin ang inyong pagbisita at pakikipagpalitan ng kuru-kuro. Hanggang sa muli.

May 26, 2009

Pagbabalik

Matagal na akong di nakakapagsulat sa blog na ito. Hindi rin naman kasi ako magaling magkwento, kung magsusulat man ako ay patungkol lang sa mga ideya kong ako lang ang nakaiintindi.

Walong taon ang tanda niya sa akin. Di ko man ginugusto, panay mas matatanda sa akin ang nagugustuhan ko. Siguro dahil mas magaling silang mag-isip, mas maraming karanasan,  mas magaling sa kama, mas madaling umintindi, at siguradong aabutin ako ng bukas kung ipagpapatuloy ko ang listahan kong ito.

January 10, 2009

Gamot sa Kabaklaan

Mga sampung taong gulang ako noon. Maaga akong natulog dahil may pasok ako kinabukasan, halos alas nuwebe pa lang ng gabi subalit dahil kami’y nasa probinsya pinilit ko ang sariling matulog habang sa paligid ko’y naririnig pa ang huni ng mga kulisap. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagpapanggap na tulog nang dumating ang aming mga kamag-anak na ikakasal, bumibisita lang upang humingi ng payo patungkol sa pagpapamilya nang madako ang usupan sa pagkakaroon ng baklang anak.

med

Dinig ko ang tatay ko, nagtatanong sa bernakular na wika, kung maari pa raw bang maging tunay na lalaki ang isang batang nagbabadyang maging bakla. Biglang nag-iba ang posisyon. Una’y pumunta ang kamag-anak naming iyon upang humingi ng payo at sa pagkakataong iyon, ang mga magulang ko na ang humihingi ng payo tungkol sa kanilang anak na kinikitaan nila ng mga  sintoma ng pagkabakla na parang ako’y isang maysakit at nangangailangan ng masinsinang panggagamot.

“Pag laki niyan, mawawala rin ang kahinhinan niyan. Magiging lalaki rin yan kuya.”

Hindi awa sa sarili ang nadama ko ng oras na iyon kundi awa para sa aking mga magulang dahil nagkaroon sila ng anak na hindi nila maaaring ipagmalaki. Noong mga panahong iyon ay hindi ko pa tanggap ang aking identidad. Kinakaila ko pa ang nararamdaman kong pagkagusto sa mga kalaro kong lalaki. Subalit anong pilit ko mang kumilos na parang tunay na lalaki ay lumalabas pa rin ang kalamyaan ko.

Para sa mga magulang ko, lalo na sa tatay ko, mahirap tanggaping ang pagkakaroon ng anak na abnormal. Simula ng gabing iyong tinuluyan ko na ang pagpapanggap. Pinilit kong maging lalaki sa kanilang mga mata ng sa gayon ay hindi na sila maghahanap pa ng gamot para sa aking sakit – ang sakit ng kabaklaan.

January 5, 2009

Kwentong Bakla=Seks sa pagitan ng mga Bakla

Kadalasan kapang kwentong bakla, iniisip ng nakararami sa atin na ito’y kwento patungkol sa seks, kamunduhan, chupa, kantot, o dayelektiko ng top o bottom. Subalit higit pa riyan ang isang kwentong bakla, Naniniwala akong hindi maaring ihambing ang buhay pag-ibig ng isang bakla sa kwentong pag-ibig ng nagsasamang heterosekswal. Ang tesis na ito aybibigyan ko ng malalimang trato sa mga susunod ko pang post.

57197539_3705566

Ako’y nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas at sa pamantasang ito namulat ako sa kung ano mang potensyal mayroon ako bilang isang mamamayan at bilang isang mamamayang Pilipinong bakla. Naririndi akong makinig sa usapan kung saan itinuturing bilang isa ang kamunduhan at kabaklaan. Sa pamantasan ding ito natuto akong tanggapin ang iba’t ibang katotohanang patuloy na sinasalungat ang isa’t isa.

Hindi ko na rin mabilang ang mga naka-seks ko, marahil dala na rin ng aking kabaklaan. Subalit karamihan sa mga heterosekswal ko na mga kaibigan ay may kasindami ring bilang ng nakakatalik. Mangyari lamang na sa isang relasyong sekswal sa pagitan ng mga bakla wala masyadong risk na kasama maliban lamang sa pagkalat ng nakakahawang sakit tulad ng tulo, syphilis, gonorrhea, o HIV/AIDS. Sa larangan ng emosyon, pagbubuntis at iba pa, maaring maganap ang pagniniig nang mas walang komplikasyon kumpara sa isang babae at lalaking nagtatalik.

Subalit ang hindi ko matanto ay kung bakit ang kwentong bakla ay singkahulugan ng pagtatalik ng bakla. Kung titingnan ang lipunang Pilipino, o ang midya sa Pilipinas, karamihan ng mga kwentong nauukol sa buhay bakla ay nakapokus sa kanilang buhay sex. Kung ang konseptong ito ay kaya sanang buwagin o i-dekonstrak sa loob ng isang klasrum.

January 4, 2009

Pagtatapos ng Isang Kwentong Pag-ibig

Halos magdadalawang taon na kami ng aking nobyo (nangingiti ako sa tuwing nariring ko ang salitang ito), subalit simula nang malayo ako sa kanya halos walong buwan na ang nakalilipas upang mag-aral sa ibang bansa, nag-umpisa nang pumakla ang aming relasyon. Dati pa lang ay naiisip ko ng hindi kami tatagal dahil magkaiba ang punto de bista namin sa mga bagay-bagay. Makailang beses na rin kaming nag-aaway dahil sa mga pangyayaring wala sa kontrol naming dalawa.

Mahal ko siya kung sa mahal, sa totoo lang, siya lang ang lalaking minahal ko ng ganito. Subalit lahat yata ng mga magagandang bagay ay hindi na-uuwi sa mabuting pagtatapos.

Ilang beses na rin akong nagpasyang makipaghiwalay sa kanya subalit, sa mga kadahilanang hindi rin lubusang malinaw sa akin. Kung sana’y kasin-simple lang na sabihing “hindi na kita mahal”. Kung ilang beses akong sumuko ay siya ring dami ng pagkakataong nagmatigas siyang ipaglaban kung ano man mayroon kami.

Ngunit sa pagkakataong ito, hahayaan ko na lamang sigurong lumamig kami sa isa’t isa nang sa gayon ay hindi maging masyadong masakit para sa kanya at para sa akin.

January 2, 2009

Madaling-Araw ng Bagong Taon

happy_new_year_2008copy

Una ay hindi ko siya masyadong gusto, pangalawa ay ang kanyang kaliwang kamay na mas maliit sa kanyang kanang kamay, at pangatlo ay mas maliit siya sa akin ng humigit kumulang ay anim na pulgada. Subalit kung may isang bagay na gusto ako sa kanya, ito’y ang kanyang makinis na mukha, matangos na ilong, at matang malandi. Lalaking lalaki. Son ang kanyang pangalan.

Nitong bagong taon ay inimbitahan niya akong lumabas upang ipagdiwang ang pagpapalit ng taon kasama ang kanyang mga kaibigang taga-ibang bansa. Hindi man masyadong magaling ang kanyang Ingles subalit masayahin siyang tao kaya wiling-wili ang mga kaibigan niyang banyagang makipag-usap sa kanya.

Ako nama’y tahimik lang sa tabi, pinagmamasdan ang kanyang mga galaw. Nagpaalam akong bababa at sa unang palapag ng bar at magmasid sa ibang sumasayaw. Nang malapit na ang alas-dose ng gabi, bumaba na rin sila at sumabay sa amin para sa mga huling segundo ng 2008. Pagkatapos noo’y, siguro ay dala na rin ng alak na nainom ko, sumayaw ako na parang walang bukas kasama ang isang babaeng Briton. Una’y di niya ako pinapansin dahil sa suot kong maluwang na polo, ngunit ng hubarin ko ito at ang natira na lang ay ang puti ko t-shirt na humahalik sa aking katawan, sumayaw kami ng halos magkadikit na an gaming mga katawan. Hindi niya siguro napansing bakla ako.

Nang mag-aalas dos na ng madaling araw, nagpasya ang grupo ng mga banyaga na pumunta sa isang lugar malapit sa old-quarter ng lungsod. Hindi na kami sumama Son. Hilo dahil sa alak na nainom ko, pinasya naming matulog sa kanyang pinagtatrabahuhan, subalit dahil nakalimutan ng kanyang kasama sa trabaho ang susi, minabuti na naming dumiretso na lang sa kanyang inuupahang bahay na 30 minuto ang layo mula sa old quarter.

Habang nakaangkas ako sa kanyang motorsiklo, pinipigilan ko ang aking sariling idampi ang aking katawan sa kanyang likuran. Pabulong kaming mag-usap. Minsan nag-uusap kami sa Ingles, ngunit kadalasan ay ang wika niya ang ginagamit namin. Pilit niyang binagalan ang kanyang pagsasalita nang sa gayon ay maintindihan ko ang kanyang sinasabi. Ang sarap pakinggan sa tuwing sinasambit niya ang aking pangalan. Tinanong ko siya kung gusto niya ang isang kaibigan namin, sabi naman niya’y “I highly regard her.” Hindi ko naman gustong palawigin ang usapang hindi ko naman gustong pag-usapan, nadako kami sa mga bagay-bagay tungkol sa aming mga pamilya.

Kahit na taglamig, hindi ako nakaramdam ng lamig dahil sa init ng pakiramdam kasama siya. Nang marating na naming ang kaniyang inuupahang lugar, nagpaumanhin siya dahil hindi ito maayos. Natawa lang ako dahil hindi rin masyadong naiiba ang lugar ko. Pinahiram niya ako ng kanyang shorts at sabay kaming natulog.

Halos ala-siyete na ay madilim pa rin ang paligid. Naalimpungatan akong nakadantay na ang kanyang mga hita sa akin. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Hindi naglao’y inalis ko na rin ang pagkakahawak. Tumalikod ako sa kanya, subalit parang nakadikit pa rin ang kanyang katawan sa aking likuran. Ilang minuto pa ay humarap ako sa kanya at niyakap ko siya ng aking kaliwang braso.

Inalis ko na rin pagkalipas ng ilang sandali. Nagapaulit-ulit ito hanggang pinasya ko na lang matulog.

Para sa mga baklang katulad ko, ang eksenang ito ay paulit-ulit na pinapalabas. Hindi ko man masabi kung bakla rin si Son, hindi lang niya siguro ako gusto, o baka nahihiya lang siya, o baka naman dahil magkaiba ang kulturang nakamulatan namin. Nang magising na kami, natawa ako sa loob-loob ko dahil ang naging reaksyon ng bawat isa ay parang walang nangyari.

Nakatutuwa.